high school, kakulangan sa tulog, at tawag ng tadhana
sa lahat ng mga naging post ko ito na siguro ang pinaka-pointless. lasing, puyat, at walang magawa sa internet cafe. 4:30 ng umaga. nagsusunog ng oras habang naglalaro ng dota all-stars ang mga kasama ko. syet. buti pa sila may kalaro at kaulayaw na ibang tao. ako nagta-type lang at nakikinig sa aking bestfriend na mp3 player ko.
iba pa rin talaga pag kasama mo yung mga kaibigan mo galing high school. minsan na lang kayo magkita sa isang taon, at pare-pareho na lang ang pinag-uusapan niyo (what else but the golden past?) pero ang sarap pa rin ng tawanan ninyo. isang buong gabing walang tulugan lang kayo magkasama, preo sapat na yun para mapanatili yung tibay ng samahan niyo kahit di kayo nagkikita or nag-uusap. iba talaga siguro pag sila ang humubog sa pagkatao mo nung isang mahalagang panahon sa buhay mo. malaking bagay din yung pare-pareho kayong wala pa ring girlfriend.
sa gitna ng lahat ng ingay ni layno sa paglalaro ng dota, may bagay pa rin na di matanggal-tanggal sa isip ko.
yung nangyari sakin around 5 days ago nung nag-iimpake ako para sa aking brief las pinas getaway. dahil nag-aayos/nagtatapon din ako ng gamit, hinalukay ko yung mga archaeological relics sa bedside drawer ko. nakuha ko yung isang lumang organizer ko na huli kng ginamit nung undergrad pa. sa loob ng isa sa mga bulsa nito ay may nadukot akong maliit na pirasong papel na nakasara ng sticker at may jade seal (yung chinese character ng 'jason' na pinagawa ko sa dumalaw na chinese craftsman sa AS dati) ko. sa pagtataka ko, binuksan ko yun. ang laman? sulat ko. ang mga salitang "i will become a lawyer, but i will remain true to who i am." tapos may date - 6/20/03 - at pirma ko. sinulat at itinago ko yun para mabasa ko sa hinaharap (na siya ngayong kasalukuyan).
naalala ko noon yung panahon na may nagbanta ng malpractice suit sa nanay ko. sa sobrang sama ng loo ko dahil nakikita kong balisa at nabagabag yung nanay ko, nangako ako sa sarili ko non na magiging abogado ako, pero hindi ko kakalimutan yung mga totoong saloobin ko - halimbawa, na ayoko sa mga abogado. nung lumipas yung problema, nakalimutan ko rin yung sinulat kong nun. mabuti na rin siguro. pero di ko akalain na noon palang pala ay inisip ko na yung posibilidad ng pagiging abogado. akala ko ngayon-ngayon ko lang naisip yun at hindi ko kailanman seseryosohin to. haha. anak ng petot talaga o.
syempre kasabay nung pagbasa ko dun sa papel tumugtog sa radyo yung kantang 'gifts and curses' ng yellowcard. hindi siya sikat na kanta, pero gusto ko siya. galing siya sa soundtrack ng spider-man 2 (ang pelikulang tumapos sa isa rin sa mga maliligayang panahon ng buhay ko). yung lyrics, tono, at dating ng kanta ay tungkol sa pagtanggap sa pinapasan na responsibilidad at pagbitaw sa mga bagay na nais mo sanang makamit ngunit hindi maaari dahil sa mabigat na tungkuling nakapataw sa iyo. para sakin siya yung pinaka-theme ng spider man 2, at isa rin sa mga pinakapaborito kong kanta. lagi ko yung tinutugtog pag seryoso akong tapusin yung kung anuman ang ginagawa ko. may kahulugan kaya ang pagtugtog nun sa eksaktong sandali na binasa ko yung pangakong ginawa ko sa sarili ko noon?
ma-drama, at kakila-kilabot, pero totoo. ipinapahiwatig ba ng mga pangyayaring ito na dapat kong ipagpatuloy ito? o aksidente lang ang lahat at pilit ko lang nilalagyan ng kahulugan sa matinding pangangailangan kong makita ang kahulugan ng mga nangyayari sa buhay ko? putcha. kailangan ko lang sigurong manood muna ng porn. masyado na akong maraming iniisip.
isang makabuluhang bagong taon sa lahat.